Princess Kaguya ang Dalagang nasa Buwan
Kwento ng mga Hapon
Noong unang panahon, may isang matandang mag-asawang tagaputol ng kawayan. Isang araw, may nakita silang kakaibang kumikislap na kawayan. Nang buksan nila ito, may lumabas na maliit na batang babae si Prinsesa Kaguya.
.jpg)
Inampon nila siya at pinalaki. Habang lumalaki si Kaguya, naging napakaganda niya maputi ang balat at mahaba ang itim na buhok. Maraming lalaki ang nanligaw sa kanya, pero lahat ay binigyan niya ng mahihirap na pagsubok, kaya walang nagtagumpay.
.jpg) |
| Kaguya Dalagang nasa buwan |
Kalaunan, nalaman na si Kaguya ay hindi taga-lupa, kundi mula sa buwan. Isa siyang espiritu ng buwan na ipinadala sa mundo. Nang dumating ang panahon, bumalik siya sa buwan, kahit nalulungkot ang kanyang mga magulang sa lupa.
At doon nagtatapos ang kwento ni Prinsesa Kaguya ang mahiwagang dalagang mula sa buwan.
Naalala ko may nakita ako sa internet artist tas yung depiction nya ng Dalagang nasa buwan ng Tagalog mythology eh albino ata tas akala nung mga taga USA foreigner daw. Di nila alam may mga albino sa pilipinas, very small minority.
.jpg) |
| parang ganito yung nakita kong art nung Dalagang nasa buwan Philippine mythology fan art |
Ang Dalagang nasa Buwan ang sinaunang dyosa ng mga Tagalog sa kalaunan pinalitan sya ni Mayari sa mga kwentong pasa-pasa
No comments:
Post a Comment